{Tunay na ang Ṣafā at ang Marwah ay kabilang sa mga sagisag ni Allāh. Kaya ang sinumang nagsagawa ng ḥajj sa Bahay[33] o nagsagawa ng `umrah ay walang maisisisi sa kanya na magpabalik-balik sa pagitan ng dalawang iyon. Ang sinumang nagkusang-loob ng isang kabutihan, tunay na si Allāh ay Tagapagpasalamat, Maalam.} (Sūrah Al-Baqarah (Ang Baka)
: 158).
{Hindi sa inyo ay maisisisi na maghangad kayo ng isang kabutihang-loob mula sa Panginoon ninyo.[51] Kaya kapag lumisan kayo mula sa `Arafāt ay alalahanin ninyo si Allāh sa Palatandaang Pinakababanal [sa Muzdalifah] at alalahanin ninyo Siya kung paanong nagpatnubay Siya sa inyo. Tunay na kayo bago pa nito ay talagang kabilang sa mga ligaw.} (Sūrah Al-Baqarah (Ang Baka)
: 198).
{O mga sumampalataya, magpatupad kayo sa mga kontrata. Ipinahintulot para sa inyo ang hayop ng mga hayupan maliban sa bibigkasin pa sa inyo [dito sa Qur’ān], habang hindi naman mga napahihintulutan ng pangangaso samantalang kayo ay mga nasa iḥrām.[1] Tunay na si Allāh ay naghahatol ng ninanais Niya.} (Sūrah Al-Mā’idh (Ang Hapag)
: 1).
{O mga sumampalataya, talagang magsusulit nga sa inyo si Allāh [habang nasa iḥrām] sa pamamagitan ng isang bagay gaya ng pinangangasong hayop, na nagtatamo nito ang mga kamay ninyo at ang mga sibat ninyo, upang maghayag si Allāh sa sinumang nangangamba sa Kanya nang nakalingid. Kaya ang sinumang lumabag matapos niyon, ukol sa kanya ay isang pagdurusang masakit.} (Sūrah Al-Mā’idh (Ang Hapag)
: 94).
{Pagkatapos, tumapos sila ng mga ritwal nila, tumupad sila ng mga panata nila [na inobliga sa sarili], at magpalibut-libot sila sa Bahay na Matanda.} (Sūrah Al-Ḥajj (Ang Ḥajj)
: 29).