Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga...
Tumpak
Napagkaisahan ang katumpakan

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang lahat ng mga gawain ay isinasaalang-alang ayon sa layunin. Ang kahatulang ito a...
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpauso...
Tumpak
Napagkaisahan ang katumpakan

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang umimbento sa Relihiyon o gumawa ng isang gawaing hindi pinatutunayan ng...
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Samantalang kami ay nakaupo sa tabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pa...
Tumpak
Nagsalaysay nito si Imām Muslim

Nagpapabatid si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) ay pumunta sa mga Kasamahan (mal...
Ayon kay Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Minsan ako ay angkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang asno na tin...
Tumpak
Napagkaisahan ang katumpakan

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng karapatan ni Allāh sa mga lingkod at karapatan ng mga lingkod kay Allāh, na ang kara...
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang si Mu`ādh ay angkas niya sa sasakyan...
Tumpak
Napagkaisahan ang katumpakan

Si Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya) ay minsang nakasakay sa likuran ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sasakyang hayop...

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang lahat ng mga gawain ay isinasaalang-alang ayon sa layunin. Ang kahatulang ito ay panlahat sa lahat ng mga gawain kabilang sa mga pagsamba at mga pakikitungo. Kaya ang sinumang nagpakay sa gawain niya ng isang kapakinabangan, wala siyang tatamuhin kundi ang kapakinabangang iyon at walang gantimpala para sa kanya; at ang sinumang nagpakay sa gawain niya ng pagpapakalapit-loob kay Allāh, tatamuhin niya mula sa gawain niya ang gantimpala at ang pabuya kahit pa ito ay isang karaniwang gawain gaya ng pagkain at pag-inom. Pagkatapos naglahad ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang paghahalintulad para sa paglilinaw sa pag-epekto ng layunin sa mga gawain sa kabila ng pagkakapantayan ng dalawang ito sa panlabas na anyo. Naglinaw siya na ang sinumang nagpakay sa paglikas niya at pag-iwan ng bayan niya ng paghahangad ng mga kaluguran ng Panginoon niya, ang paglikas niya ay isang paglikas na legal na tinatanggap, na ginagantimpalaan dahil sa katapatan ng layunin niya; samantalang ang sinumang nagpakay sa paglikas niya ng isang kapakinabangang pangmundo gaya ng yaman o reputasyon o kalakal o asawa, wala siyang tatamuhin mula sa paglikas niya kundi ang kapakinabangang iyon na nilayon niya at walang bahagi para sa kanya sa pabuya at gantimpala [sa Kabilang-buhay].
Hadeeth details

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang umimbento sa Relihiyon o gumawa ng isang gawaing hindi pinatutunayan ng isang patunay mula sa Qur'ān at Sunnah, iyon ay ibabalik sa tagagawa nito, hindi tatanggapin sa ganang kay Allāh.
Hadeeth details

Nagpapabatid si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) ay pumunta sa mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa isang anyo ng isang lalaking hindi nakikilala. Kabilang sa mga pagkakalarawan sa kanya na ang mga kasuutan niya ay matindi ang kaputian at ang buhok niya ay matindi ang kaitiman, na hindi nakikita sa kanya ang bakas ng paglalakbay na pagkalitaw ng pagod at alikabok, pagkagulu-gulo ng buhok, at pagkarumi ng mga kasuutan. Walang nakakikilala sa kanya na isa man sa mga naroroon habang sila ay mga nakaupo sa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Naupo siya sa harapan ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) nang pag-upo ng mag-aaral, saka nagtanong siya rito tungkol sa Islām. Sumagot naman ito sa kanya hinggil sa mga haliging ito, na naglalaman ng pagkilala sa pamamagitan ng Dalawang Pagsaksi, pangangalaga sa pagsasagawa ng limang dasal, pagbibigay ng zakāh sa mga karapat-dapat dito, pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān, at pagganap ng tungkulin na ḥajj para sa nakakakaya. Nagsabi naman ang tagapagtanong: "Nagsabi ka ng totoo." Kaya nagtaka ang mga Kasamahan sa tanong niya, na nagpapahiwatig ng tila bang kawalan ng pagkakaalam niya pagkatapos pagpapatotoo niya. Pagkatapos nagtanong ang Anghel sa kanya tungkol sa Īmān, kaya sumagot siya hinggil sa anim na haliging ito na naglalaman ng sumusunod: 1. ang pananampalataya sa kairalan ni Allāh at mga katangian Niya at pagbubukod-tangi sa Kanya sa mga gawain Niya gaya ng paglikha at pagbubukod-tangi sa Kanya sa pagsamba; 2. ang pananampalataya na ang mga anghel na nilikha ni Allāh mula sa isang liwanag ay mga lingkod na pinararangalan, na hindi sumusuway kay Allāh at ayon sa utos Niya ay gumagawa sila; 3. ang pananampalataya sa mga kasulatan na pinababa sa mga sugo mula sa ganang kay Allāh, gaya ng Qur'ān, Torah, Ebanghelyo, at iba pa sa mga ito; 4. ang pananampalataya sa mga sugong tagapagpaabot buhat kay Allāh ng Relihiyon Niya, na kabilang sa kanila sina Noe, Abraham, Moises, Jesus, Muḥammad na kahuli-hulihan sa kanila, at ang iba pa sa kanila kabilang sa mga propeta at mga sugo; 5. ang pananampalataya sa Huling Araw, na napaloloob dito ang anumang matapos ng kamatayan gaya ng mangyayari sa libingan, buhay sa Barzakh, pagbuhay sa tao matapos ng kamatayan at pagtutuos sa kanya, at kahahantungan ng tao na maaaring Paraiso o Impiyerno; at 6. ang pananampalataya na si Allāh ay nagtakda ng mga bagay alinsunod sa nauna hinggil dito ang kaalaman Niya, ang kahilingan ng karunungan Niya, ang pagkakasulat Niya niyon, ang kalooban Niya roon, at ang pagkaganap nito alinsunod sa itinakda Niya rito at nilikha Niya para rito. Pagkatapos nagtanong ang Anghel sa Propeta tungkol sa Iḥsān kaya nagpabatid ito sa kanya na ang Iḥsān ay na sumamba siya kay Allāh na para bang siya ay nakakikita sa Kanya ngunit kung hindi naisasakatotohanan sa kanya ang pagkaabot sa katayuang ito, sambahin niya si Allāh na para bang si Allāh ay nanunuod sa kanya; kaya ang una ay ang katayuan ng pagkakita, na siyang pinakamataas, at ang ikalawa ay ang antas ng pagsasaalang-alang. Pagkatapos nagtanong ang Anghel sa Propeta kung kailan ang Huling Sandali. Kaya naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kaalaman sa Huling Sandali ay kabilang sa nagsolo si Allāh sa kaalaman dito, kaya naman hindi nakaaalam dito ang isa man kabilang sa nilikha: hindi ang tinatanong tungkol dito at hindi ang tagapagtanong. Pagkatapos nagtanong ang Anghel sa Propeta tungkol sa mga tanda ng Huling Sandali kaya naglinaw ito na kabilang sa mga tanda niyon ang pagdami ng mga aliping babae at mga anak nila o ang pagdami ng kasuwailan ng mga anak sa mga ina nila, na nagtatrato sa kanila gaya ng pagtrato sa mga babaing alipin; at na ang mga pastol ng tupa at ang mga maralita ay paririwasain sa Mundo sa wakas ng panahon kaya magpapayabangan sila sa pagpapalamuti ng mga gusali at pagpapatayo ng mga ito. Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang tagapagtanong ay si Anghel Gabriel, na dumating para magturo sa mga Kasamahan ng Makatotoong Relihiyong ito.
Hadeeth details

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng karapatan ni Allāh sa mga lingkod at karapatan ng mga lingkod kay Allāh, na ang karapatan ni Allāh sa mga lingkod ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman, at na ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh ay na hindi Siya magparusa sa mga Muwaḥḥid na hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman. Pagkatapos tunay na si Mu`ādh ay nagsabi: "O Sugo ni Allāh, hindi po ba ako magbabalita sa mga tao upang matuwa sila at magalak sila sa kabutihang-loob na ito?" Sumaway sa kanya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) dala ng takot na umasa sila roon.
Hadeeth details

Si Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya) ay minsang nakasakay sa likuran ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sasakyang hayop nito saka nanawagan ito sa kanya: "O Mu`ādh." Inulit-ulit nito ang panawagan sa kanya nang makatatlong ulit, bilang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng sasabihin nito sa kanya. Ang lahat ng iyon ay sinagot ni Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya) sa pamamagitan ng sabi niya: "Bilang pagtugon sa iyo, O Sugo ni Allāh, at bilang pagpapaligaya sa iyo." Ibig sabihin: "Tumutugon ako sa iyo, O Sugo ni Allāh, sa isang pagsagot sa iyo matapos ng isang pagsagot at hiniling ko ang kaligayahan dahil sa pagsagot sa iyo." Nagpabatid sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang isa mang sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh – ibig sabihin: walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh – at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, nang tapat sa puso niya, na hindi nagsisinungaling; saka kung namatay siya sa kalagayang ito, magbabawal sa kanya si Allāh sa Impiyerno. Humiling si Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magpabatid siya sa mga tao upang matuwa sila at magalak sila sa kabutihan. Natakot ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na umasa sila roon at mangaunti ang gawa nila. Kaya hindi nagsanaysay hinggil dito si Mu`ādh sa isa man malibang noong pagkamatay niya dala ng pangamba sa pagkasadlak sa kasalanan ng pagkukubli ng kaalaman.
Hadeeth details

Iwinangis ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang Islām sa isang estrukturang matibay sa pamamagitan ng limang haligi nitong nagdadala ng gusaling iyon. Ang nalalabi sa mga kakanyahan ng Islām ay gaya ng panlubos ng gusali. Ang kauna-unahan sa mga haliging ito ay ang Dalawang Pagsaksi: ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, na iisang haliging hindi nakakakalas ang isa sa dalawang ito sa isa pa. Bumibigkas ang tao ng dalawang ito habang kumikilala sa kaisahan ni Allāh at pagkakarapat-dapat Niya sa pagsamba – tanging Siya bukod sa iba sa Kanya – habang gumagawa sa hinihiling nito, at habang sumasampalataya sa mensahe ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang sumusunod sa kanya. Ang Ikalawang Haligi: Ang Pagpapanatili sa Ṣalāh. Ito ay ang limang ṣalāh na isinatungkulin sa araw at gabi: ang fajr (madaling-araw), ang ḍ̆uhr (tanghali), ang `aṣr (hapon), ang maghrib (paglubog ng araw), at ang `ishā' (gabi) kalakip ng mga kundisyon ng mga ito, mga haligi ng mga ito, at mga kinailangan sa mga ito. Ang Ikatlong Haligi: Ang Pagpapalabas ng Zakāh na Isinatungkulin. Ito ay isang pagsambang pampananalapi na kinakailangan sa bawat yaman na umabot sa isang halagang tinakdaan sa Batas ng Islām, na ibinibigay sa mga karapat-dapat dito. Ang Ikaapat na Haligi: Ang Ḥajj. Ito ay ang pagsasadya sa Makkah para sa pagsasagawa ng mga gawaing pangsamba bilang pagpapakamananamba kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Ang Ikalimang Haligi: Ang Pag-aayuno sa Ramaḍān. Ito ay ang pagpipigil sa pagkain, pag-inom, at iba pa sa dalawang ito kabilang sa mga tagapagpatigil-ayuno, nang may layunin ng pagpapakamananamba kay Allāh, mula sa pagsapit ng madaling-araw hanggang sa paglubog ng araw.
Hadeeth details

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi at sumasaksi sa pamamagitan ng dila niya na walang Diyos kundi si Allāh – na nangangahulugang walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh – at tumangging sumampalataya sa anumang sinasamba bukod pa kay Allāh at nagpakawalang-kaugnayan sa lahat ng mga relihiyong iba pa sa Islām, ipinagbabawal ngang lapastangin ng mga Muslim ang yaman niya at ang buhay niya. Walang pagbabatayan para sa atin kundi ang panlabas sa gawain niya. Kaya hindi kakamkamin ang yaman niya at hindi padadanakin ang dugo niya, malibang kapag nakagawa siya ng isang krimen o isang paglabag na nag-oobliga niyon alinsunod sa mga patakaran ng Islām. Si Allāh ay magbabalikat ng pagtutuos sa kanya sa Araw ng Pagbangon. Kaya kung siya ay naging tapat, gagantimpalaan siya; at kung siya naman ay naging mapagpaimbabaw, pagdurusahin siya.
Hadeeth details

May nagtanong na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa dalawang katangian na nag-oobliga ng pagpasok sa Paraiso at nag-oobliga ng pagpasok sa Impiyerno. Sumagot ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang katangian na nag-oobliga ng Paraiso ay na mamatay ang tao habang ito ay sumasamba kay Allāh – tanging sa Kanya – at hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman at na ang katangian na nag-oobliga ng Impiyerno ay na mamatay ang tao habang ito ay nagtatambal kay Allāh ng anuman sapagkat gumagawa ito para kay Allāh ng kaagaw at katulad sa pagkadiyos Niya o pagkapanginoon Niya o sa mga pangalan Niya at mga katangian Niya.
Hadeeth details

Nagpapabatid sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagbabaling ng anuman, kabilang sa kinakailangan na maging ukol kay Allāh, sa iba pa sa Kanya, gaya ng pagdalangin sa iba pa kay Allāh (napakataas Siya) o pagpapatulong sa iba pa sa Kanya, at namatay sa gayon, tunay na siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno. Nagdagdag si `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na ang sinumang namatay habang siya ay hindi nagtatambal kay Allāh ng anuman, tunay na ang kahahantungan niya ay tungo sa Paraiso.
Hadeeth details

Noong nagsugo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya) sa bayan ng Yemen bilang tagapag-anyaya tungo kay Allāh at bilang tagapagturo, naglinaw siya rito na ito ay makikipagharap sa mga taong kabilang sa mga Kristiyano upang siya ay maging nasa isang paghahanda para sa kanila, pagkatapos upang magsimula siya sa pag-aanyaya sa kanila sa pinakamahalaga saka sa pinakamahalaga. Mag-aanyaya siya sa kanila tungo sa pagsasaayos ng paniniwala, una sa lahat, sa pamamagitan ng pagsaksi nila na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh dahil sila sa pamamagitan nito ay papasok sa Islām. Kaya kapag nagpaakay sila roon, mag-uutos siya sa kanila ng pagpapanatili ng pagdarasal dahil ito ay pinakadakila sa mga tungkulin matapos ng Tawḥīd. Kaya kapag nagpanatili sila ng pagdarasal, mag-uutos siya sa mga mayaman nila ng pagbibigay ng zakāh ng mga yaman nila sa mga maralita nila. Pagkatapos nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kanya laban sa pagkuha ng pinakamainam sa yaman dahil ang tungkulin ay ang katamtaman. Pagkatapos nagtagubilin ito sa kanya ng pag-iwas sa pang-aapi upang hindi dumalangin laban sa kanya ang inaapi sapagkat tunay na ang panalangin nito ay tinutugon.
Hadeeth details

Nagpapabatid ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamaligaya sa mga tao dahil sa Pamamagitan niya sa Araw ng Pagbangon ay ang sinumang nagsabi na: "Walang Diyos kundi si Allāh" nang wagas mula sa puso nito. Ibig sabihin: "Walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh," at na maging ligtas ito mula sa Shirk at pagpapakitang-tao.
Hadeeth details

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pananampalataya ay maraming sangay at kakanyahan, na sumasaklaw sa mga ginagawa, mga pinaniniwalaan, at mga sinasabi; na ang pinakamataas sa mga kakanyahan ng pananampalataya at ang pinakamainam sa mga ito ay ang pagsabi na walang Diyos kundi si Allāh, habang nakaaalam sa kahulugan nito, habang gumagawa sa hinihiling nito, na si Allāh ay ang Diyos na Nag-iisa, na Kaisa-isa, na karapat-dapat sa pagsamba, tanging Siya: bukod sa iba pa sa Kanya; at na ang pinakakaunti sa mga gawain ng pananampalataya ay ang pag-aalis ng anumang nakapeperhuwisyo sa mga tao sa mga daanan nila. Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagkahiya ay kabilang sa mga kakanyahan ng pananampalataya. Ito ay isang kaasalang pumupukaw sa paggawa ng marikit at pagwaksi ng pangit.
Hadeeth details