Tunay na ang Ṣafā at ang Marwah ay kabilang sa mga sagisag ni Allāh. Kaya ang sinumang nagsagawa ng ḥajj sa Bahay[33] o nagsagawa ng `umrah ay walang maisisisi sa kanya na magpabalik-balik sa pagitan ng dalawang iyon. Ang sinumang nagkusang-loob ng isang kabutihan, tunay na si Allāh ay Tagapagpasalamat, Maalam.
[Sūrah Al-Baqarah (Ang Baka)] • 158
Hindi sa inyo ay maisisisi na maghangad kayo ng isang kabutihang-loob mula sa Panginoon ninyo.[51] Kaya kapag lumisan kayo mula sa `Arafāt ay alalahanin ninyo si Allāh sa Palatandaang Pinakababanal [sa Muzdalifah] at alalahanin ninyo Siya kung paanong nagpatnubay Siya sa inyo. Tunay na kayo bago pa nito ay talagang kabilang sa mga ligaw.
[Sūrah Al-Baqarah (Ang Baka)] • 198
O mga sumampalataya, magpatupad kayo sa mga kontrata. Ipinahintulot para sa inyo ang hayop ng mga hayupan maliban sa bibigkasin pa sa inyo [dito sa Qur’ān], habang hindi naman mga napahihintulutan ng pangangaso samantalang kayo ay mga nasa iḥrām.[1] Tunay na si Allāh ay naghahatol ng ninanais Niya.
[Sūrah Al-Mā’idh (Ang Hapag)] • 1
O mga sumampalataya, talagang magsusulit nga sa inyo si Allāh [habang nasa iḥrām] sa pamamagitan ng isang bagay gaya ng pinangangasong hayop, na nagtatamo nito ang mga kamay ninyo at ang mga sibat ninyo, upang maghayag si Allāh sa sinumang nangangamba sa Kanya nang nakalingid. Kaya ang sinumang lumabag matapos niyon, ukol sa kanya ay isang pagdurusang masakit.
[Sūrah Al-Mā’idh (Ang Hapag)] • 94
Pagkatapos, tumapos sila ng mga ritwal nila, tumupad sila ng mga panata nila [na inobliga sa sarili], at magpalibut-libot sila sa Bahay na Matanda.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa isinasaysay niya tungkol sa Panginoon niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Nagsabi siya: {Nagkasala ang isang tao ng isang pagkakasala kaya nagsabi ito: "O Allāh, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko." Kaya magsasabi naman Siya (napakamapagpala Siya at napakataas): "Nagkasala ang lingkod Ko ng isang pagkakasala saka nakaalam siya na mayroon siyang isang Panginoong nagpapatawad sa pagkakasala at nagpaparusa sa pagkakasala." Pagkatapos nanumbalik ito saka nagkasala ito saka nagsabi ito: "O Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko." Kaya magsasabi Siya (napakamapagpala Siya at napakataas): "Nagkasala ang lingkod Ko ng isang pagkakasala saka nakaalam siya na mayroon siyang isang Panginoong nagpapatawad sa pagkakasala at nagpaparusa sa pagkakasala. Gawin mo ang niloob mo sapagkat nagpatawad nga Ako sa iyo."}
Tumpak
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Al-Mughīrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ako minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay saka bumaba ako upang magtanggal ng khuff niya ngunit nagsabi siya: "Hayaan mo iyan sapagkat tunay na ako ay nagpasok niyan [sa paa] habang dalisay pa." Kaya nagpahid siya rito.}
Tumpak
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kapag pumasok ang lalaki sa bahay nito saka bumanggit siya kay Allāh sa sandali ng pagpasok niya at sa sandali ng pagkain niya, magsasabi ang Demonyo [sa mga kampon nito]: 'Walang pagmamagdamagan para sa inyo at walang hapunan para sa inyo.' Kapag naman pumasok siya saka hindi siya bumanggit kay Allāh sa sandali ng pagpasok niya, magsasabi ang Demonyo [sa mga kampon nito]: 'Nakamit ninyo ang pagmamagdamagan.' Kapag hindi siya bumanggit kay Allāh sa sandali ng pagkain niya, magsasabi ito: 'Nakamit ninyo ang pagmamagdamagan at ang hapunan.'"}
Tumpak
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mananampalataya ay hindi ang palapanirang-puri, ni ang palasumpa, ni ang mahalay, ni ang bastos."}
Tumpak
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy
Ayon kay Mu`āwiyah Al-Qushayrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, ano po ang karapatan ng maybahay ng isa sa amin sa kanya?" Nagsabi siya: "Na pakainin mo siya kapag kumain ka at padamitan mo siya kapag nagdamit ka o kumita ka. Huwag kang mamalo sa mukha, huwag kang magparatang ng kapangitan, at huwag kang mag-iwan maliban sa bahay."}